Friday, October 17, 2008

Happy Birthday!

Finally, I can say that my 24th birthday is REALLY happy. And the reason? Jamie made a phone call out of nowhere to greet me on my special day. Akala ko nakalimutan na niya..

Kumpleto na ang araw ko. Wala na akong mahihiling pa. Kapag galing sa taong pinakamamahal mo ang pagbati, palakpak ang tenga mo't tatalon sa tuwa ang puso mo..

Ngayon, pwede na akong matulog ng mahimbing. At aking babaunin sa pagtulog ang dalawampung minutong pag-uusap na iyon. Wala na akong mahihiling pa..

Para sa 'yo Jamie, maraming salamat. Ikaw lang talaga ang nakakaalam kung paano ako paliligayahin nang walang kahirap-hirap. Walong taon ba naman tayong magkasama. Alam na alam mo na..

Mahal na mahal pa rin kita..

0 comments: